MindMap Gallery SOSLIT
The SOSLIT project features two significant works: Dian Joe Mantiles' "Para kay Solidad..." exploring underclass life through realism, and Rogelio Ordonez's "Kapayapaan..." poetically depicting dawn peace. Both represent Philippine contemporary literature's social reflection and artistic innovation, showcasing diverse themes and styles that exemplify the country's literary development.
Edited at 2024-05-07 04:07:21SOSLIT
Para kay Solidad Buenavista: Ang Pokpok Naming Ina” Sa panulat ni Dian Joe Jurilla Mantiles
Kapayapaan Sa Madaling-Araw Ni: Rogelio L. Ordonez
Sa kwentong "Kapayapaan sa Madaling Araw", ito ay isang kwento tungkol sa isang ama na iniwan ng asawa dahil sa sobrang kapos sa pera at naiwan sa kanya ang anak nila. Sa sobrang gusto ng Ama na si 'Andong', na makamit ang inaasam na Kapayapaan ay ginawa niyang sagot sa problema ang pagkitil ng kanyang buhay. Siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagdapa sa Riles ng Tren na tanaw-tanaw at kitang-kita ng anak niyang si Totong. Isa lamang ito sa mga kwentong tumatanaw sa realidad ng buhay, dahil sa napakahirap at hindi pantay na buhay ay nagagawa ng isang tao ang pagkitil ng buhay. Ang kwentong ito ay nagbibigay ng aral, na sa kahit anong hirap ng buhay hindi solusyon ang pagkitil ng buhay. Ito rin ay nagpapaalala sa atin na magkaroon tayo ng magandang asal lalo na pagpapakita ng pag-aalaga, pagmamalasakit at pagmamahal sa ating pamilya dahil ang pamilya lamang ang siyang sandigan at huhubog sa tahanan.
Sa kwentong “Para kay Solidad Buenavista: Ang Pokpok Naming Ina” Ito ay isang kwento patungkol sa isang pamilya na kung saan ay kapos sa pera at walang tahanan. Umiikot ang kwento sa isang napakasipag na ina na si Solidad Buenavista na ang hanapbuhay ay isang pokpok. Isa lamang ito sa mga kwento nagpapaantig sa ating mga damdamin at puso, nagpapatunay lang ito sa tunay na pagmamahal, galit at poot at sakit o hinanakit na nag iiwan sa atin ng marka sa ating puso. Nagbibigay ito ng aral at kakintalan sa ating mga isip na kung saan itinuturo dito ang pagpapahalaga, pag-aalala, pag-intindi at pagtanggap. Katulad nalang sa pagbibigay halaga, pag-alala, pag-intindi at higit sa lahat ang pagtanggap ng isang anak sa kanyang inang pokpok. Ito rin ay nagpapaalala sa atin na magkaroon tayo ng magadang asal lalong-lalo na ang pagmamalasakit at pag-aalaga sa ating pamilya dahil ito ang pamilyaang ating sandigan, pondasyon at ang ating tunay na tahanan.
ASAL: Mapagmahal Mapagbigay Mapangalaga Pagtiis Pagtanggap pagtitiwala Mapagkumbaba matiyaga Matapat
ISIP: kahirapan at pagtitiis Pag-asa at pangarap Pamilya at pag- ibig
ISYUNG PANLIPUNAN: Kahirapan - Sa kwentong "Kapayapaan Sa Madaling- araw ni Rogelio L. Ordonez" inilalarawan dito ang labis na paghihirap sa isang pamilya hindi lang sila ang mga ato na nakararanas ng kahirapan kundi ang ibang tao. Sa ating bansa umabot ng 12.9 milyong pamilya ang nakakaranas ng kahirapan sabi ng Social Weather Station(SWA). Ang kahirapan ay isa sa isyung panlipunan na kinakaharap ngayon ng mga tao dahil sa hindi tamang pamamalakad ng goberno na humantong sa walang sapat na trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin, sabayan pa ng pagtaas ng bilang sa populasyon. Labis na naapektuhan ang mga tao. Pagpapakamatay/Suicide - -Ang pagkitil ng buhay ay naging solusyon na upang lutasin ang mga kanya-kanyang problema ngunit ito nga ba talaga ang sagot sa ating mga problema? yan ang nangyari sa kwentong sa "Kapayapaan Sa Madaling- araw ni Rogelio L. Ordonez" ito ay isang kwento tungkol sa ama na iniwan ng asawa at nagpatiwakal ng dahil sa isang mabigat na problema. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ang suicide deaths sa 3,529 noong 2020 o 26% na mataas sa 2,808 suicide noong 2019. Makikita rito sa datos na tumaas ang porsiyento ng mga taong nagpapakamatay sa mga kadahilanang nabaon sa utang, walang pera, problema sa sarili at higit sa lahat ang pagkakaroon ng problema sa pamilya. Alam naman natin na ang pamilya ay isa mga rason kung bakit tayo ay lumalaban, nagpapatuloy, sumusuporta at nagmamahal. kaya wag sana nating hayaan na lamunin tayo ng kalungkutan at wag hayaan na sagutin at lutasin ang problema sa pamamagitan ng pagpapatiwakal dahil ang lahat ng problema ay may solusyon.
ISYUNG PANLIPUNAN: Kahirapan -Base sa datos sa ating bansa umabot ng 12.9 milyong pamilya ang nakakaranas ng kahirapan sabi ng Social Weather Station(SWA). Sa datos na ito ang kahirapan isa sa mga isyung panlipunan na ating kinakaharap sa hanggang ngayon. Maraming mga pilipino ang naghihirap dahil sa maliit na sahod, walang sapat na trabaho. kagaya nalang sa kwentong "Para kay Solidad Buenavista: Ang Pokpok Naming Ina” ipinakita rito sa murang kaisipan pa lamang ay nasaksihan na ng mga tauhan ang kahirapan sa buhay. Sa lansangan ang noo‘y ang kanilang naging kanlungan o tahanan. Sila ay musmos palamang ng mamulat sila sa kahirap ng buhay. Paano kaya natin ito masosolosyunan? Bullying/ Pangungutya -Isa sa mga isyung panlipunan na ating natatamasa ngayon ay ang pangungutya. Bakit nga ba gusto nating masaktan ang ibang tao? o pakialaman ang buhay ng iba? Ayon sa datos mahigit sa 17.5 milyon ang mga kabataan ang nakararanas ng pangungutya o bully. Ito ay naging talamak na rito sa ating bansa. Kagaya nalang kwentong "Para kay Solidad Buenavista: Ang Pokpok Naming Ina” makikita rito ang pangungutya ng sa mga bata na nag-udlot ng pagkagalit at poot. Hindi natin nabibigyang pansin ang isyung ito. Bagkus, ito ay napakalaking isyu na kinakaharap natin dahil maaring sa simpleng pangungutya lamang ay ito na ang maging dahilan kung bakit ang isang bata ay mababawasan ng tiwala sa sarili, pagbubulakbol at higit sa lahat maaaring humantong sa pagtitiwakal.
TAUHAN: Andong ▫️Siya ang ama ni totong at may sakit na dinadala Totong ▫️Isang batang payat, ang anak ni andong Tasya ▫️Ang ina ni totong Binatilyo ▫️Kilala ni andong
TAUHAN: Nanay ▫️Siya ay isang pokpok at may sampung anak Anak ▫️Siya ay mapagmahal at maunawain na anak. Mga Binatilyo ▫️ Mga Bully na bata
TEORYA: Feminist Theory: -Pagtalakay sa mga isyu ng kasarian at kababaihan, kung paano nakikibaka ang isang ina sa isang lipunan na puno ng diskriminasyon at pangmamaliit. Makikita ang mga hamon at diskriminasyon na hinaharap ng pangunahing tauhan at ng kanyang ina dahil sa kanyang hanapbuhay. Realismo : -Pagpapakita ng tunay na kalagayan ng mga tao sa lipunan, kabilang na ang mga hamon at paghihirap na kinakaharap ng isang ina na nagsasagawa ng ganitong uri ng hanapbuhay. Ipinapakita dito na nakikipaglaban sa mga hamon at pagsubok ng buhay na nagpapakita ng tunay na karanasan ng mga tao. Bukod dito, ang mga pangyayari at tema ng kwento ay tumatalakay sa mga isyung kahirapan, pag-asa, at pagmamahal sa pamilya na kinakaharap ng maraming tao sa totoong buhay. Teoryang Moralismo: -Ipinahiwatig at ipinapakita dito na may mga aral na makikita at matutunan ang mga mambabasa dahil sa moralidad na ipinapahiwatig nito. Moralidad tungkol sa pag-asa at pangarap ngunit hindi lamang ito tungkol sa moralidad. Ito rin ay tungkol sa hamon ng buhay ng isang nangangarap at gustong umunlad ang buhay ng pamilya.
DAMDAMIN: Pagmamahal Kabiguan at depresyon kalungkutan Pag-asa Pagpapakumbaba at pagtatangap Pananabik.
TEORYA: Realismo: -Sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga isyu ng kahirapan, pagkakawatak-watak ng pamilya, at pakikisalamuha sa masalimuot na kalagayan ng lipunan. Ang mga karakter ay nagpapakita ng mga emosyon at reaksyon na katulad ng mga tunay na tao sa kanilang mga sitwasyon. Ipinapakita dito na nakikipaglaban sa mga hamon at pagsubok ng buhay na nagpapakita ng tunay na karanasan ng mga tao. Bukod dito, ang mga pangyayari at tema ng kwento ay tumatalakay sa mga isyu ng kahirapan, pag-asa, at pagmamahal sa pamilya na kinakaharap ng maraming tao sa totoong buhay. Simbolismo: -Ang paggamit ng mga simbolo sa kwento tulad ng ulan, dilim, riles ng tren, at iba pa ay maaaring magsilbing talinghaga o pagpapahayag ng mas malalim na kahulugan. Halimbawa, ang ulan ay maaaring kumakatawan sa paglilinis o paglalantad ng damdamin ng mga karakter, habang ang riles ng tren ay maaaring simbolo ng takbuhin o direksyon ng kanilang buhay. Existensyalismo: -Ang kwento ay maaaring maunawaan mula sa isang existensyalistang perspektiba, kung saan ang mga karakter ay hinaharap ang kawalan ng kahulugan at layunin sa kanilang buhay. Ang kanilang paglalakbay sa dilim at ulan ay maaaring kumakatawan sa kanilang paghahanap ng kahulugan at layunin, kahit na sa kabila ng mga hamon at kahirapan.
ASAL: Pagmamalasakit at pag- aalaga Determinasyon at pagtitiyaga Pagmamahal at sakripisyo.
ISIP: Pagpapahalaga Pag-alaala Pangamba Pagnanais na intidihin at tanggapin Pagtakda ng mga hangarin at pangarap
DAMDAMIN: Pagmamahal Sakit at hinanakit Pangamba Galit at poot